ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang p8.8 billion na halaga ng shabu na magkakasunod na dinala sa mga otoridad ng mga mangingisda sa Luzon matapos nilang matagpuan ng mga ito sa karagatan.
Personal na nagtungo ang pangulo sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City kung saan naroroon ang mga natagpuang shabu.
Ang mga ito ay nadiskubre ng mga mangingisda sa iba’t ibang baybayin ng Luzon.
Nakatakdang wasakin ng mga otoridad sa pamamagitan ng Thermal Decomposition ang 1,304 kilograms (KGs) ng shabu.
Nakita ang mga ito na palutang-lutang sa katubigan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan.