IPINATUPAD na ng mga kumpanya ng langis ang unang bugso ng Oil Price Hike ngayong linggo.
Kasunod ito ng limang sunod na linggong Taas-Presyo sa gasolina, tatlong sunod na linggo sa diesel, at dalawang sunod na linggo sa kerosene.
Ngayong Martes, ay nagdagdag ang Oil Companies ng 1 peso and 75 centavos sa kada litro ng gasolina; 2 pesos and 60 centavos sa diesel habang 2 pesos and 4o centavos sa kerosene.
Kaparehong Dagdag-Presyo rin ang ipatutupad sa Huwebes, para sa ikalawang bugso ng adjustments, matapos pumayag ang mga kumpanya ng langis sa hiling ng Department of Energy (DOE) na utay-utayin ang implementasyon ng Oil Price Hike.