4 July 2025
Calbayog City
Sports

Thunder, 1 panalo na lang ang kailangan para mapasakamay ang Titulo sa NBA

SINILAT ng Oklahoma City Thunder ang Indiana Pacers sa score na 120-109, sa Game 5 ng 2025 NBA Finals sa Paycom Center.

Pinangunahan ni Jalen Williams ang Thunder sa kanyang 40 points, 6 rebounds, at 4 assists.

Nag-ambag din ang NBA Most Valuable Player na si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points, 10 assists, 4 blocks, at 2 steals.

Dahil dito ay mayroon nang tatlong panalo ang Thunder sa Best-of-Seven Series, na ang ibig sabihin ay maari na nilang masungkit ang NBA Title kapag nanalo sila sa Game 6 sa Indianapolis, sa Biyernes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).