KINUMPIRMA ng provincial government ng Southern Leyte na mayroon ng isang kumpirmadong kaso ng MPOX o Monkeypox sa lalawigan.
Ayon sa Provincial Health Office ng Southern Leyte, naitala ang kaso ng MPOX sa munisipalidad ng Sogod.
Isa umano itong kaso ng local transmission o ang sakit ay nakuha sa komunidad at hindi mula sa international travel.
Hinimok ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na manatiling kalmado.
Tiniyak din na aktibong binabantayan ang sitwasyon ng pasyente at nagsasagawa na ng contact tracing at containment measures para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.