HUMIHIRIT ng Taas-Presyo ang manufacturers ng canned sardines bunsod ng pagtaas ng halaga ng imported tin sheets na resulta ng paghina ng piso.
Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines Executive Director Francisco Buencamino, umapela ang kanilang grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa tatlong pisong dagdag sa Suggested Retail Price (SRP) sa kanilang produkto.
ALSO READ:
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Sa ngayon aniya, karamihan ng kanilang SRP products ay nasa 21 pesos, at nais sana nilang itaas ito sa 24 pesos.
Sinabi rin ni Buencamino na sakaling hindi mapagbibigyan ang kanilang hirit na Price Increase ay mababawasan ang bilang ng brands sa SRP Level.
