16 June 2025
Calbayog City
Business

Utang panlabas ng Pilipinas, umakyat sa 146.74 billion dollars sa 1st quarter ng taon

LUMOBO ang Outstanding External Debt ng Pilipinas sa unang quarter ng 2025, dahil sa pangungutang ng National Government at ng Banking Sector.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 146.74 billion dollars ang External Debt ng bansa, hanggang noong katapusan ng Marso.

air asia

Mas mataas ito ng 14 percent kumpara sa unang quarter ng nakaraang taon.

Sinabi ng BSP na ang Latest External Debt Figure ay katumbas ng 31.5 percent ng Gross Domestic Product ng bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).