ISINAGAWA ng navies ng Pilipinas at Japan nitong weekend ang ikalawang Bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA), sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) na nilagdaan ng dalawang bansa noong July 2024.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Kabilang sa MCA ang Communication Checks, Anti-Submarine Warfare, Cross-Deck Exercises, Division Tactics and Officer of the Watch Maneuvers, Photo Exercises, at Finish Exercise sa pagitan ng Philippine Navy, Philippine Air Force, at ng Japan Maritime Self-Defense Force.
Nakiisa sa naturang aktibidad ang Guided Missile Frigate na BRP Malvar, naka-assign ditong Anti-Submarine Helicopter, isang PAF C-208 ISR Aircraft, at isang Search and Rescue Unit.
Idineploy naman ang Japan ng kanilang destroyer na JS Takanami at SH-60K Seahawk Helicopter.