18 January 2026
Calbayog City
Province

Kapitan ng barangay, patay sa pamamaril sa Camarines Sur

PATAY sa pamamaril ng mga hindi nakilalang salarin ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Pili, sa Camarines Sur.

Pinagbabaril ang biktima na si Nerio Brazal, habang nakaupo sa loob ng kanyang meat shop sa Zone 2, Barangay San Juan, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang hindi nakilalang suspek na kapwa nakasuot ng bonnet ang lumapit sa barangay chairman saka sunod-sunod na pinaputukan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).