MAS matindi pa ang problema ng Pilipinas sa HIV kaysa sa Mpox.
Sinabi ito ng Department of Health (DOH) matapos na tumaas ng 500 percent ang naitalang kaso ng HIV sa bansa sa mga edad 15 hanggang 25.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Kamakailan ayon sa DOH isang batang 12-anyos mula sa Palawan ang pinakabata na na-diagnose sa sakit.
Batay sa HIV/AIDS Surveillance Report sa unang quarter ng 2025 mayroong 148,831 na kaso ng HIV sa bansa.
Sa unang 3 buwan ng taon umabot sa 5,101 ang naitalang kaso.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, kung hindi ito mapipigilan maaaring lumagpas sa 400,000 ang bilang ng may HIV sa bansa.
Dahil dito nais ng DOH na maideklarang Public Health Emergency ang HIV para maipatupad ang Whole of Society Approach sa sakit.
Kinakailangan ayon kay Herbosa na maitaas ang prevention, testing at treatment sa sakit.
Paalala din ng DOH sa mga nakararanas ng sintomas i-avail ang libreng konsulta at gamot na alok ng pamahalaan.
Dapat ding maging maingat sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng paggamit ng mga proteksyon.