HUMIHIRIT ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ng Emergency Powers at Inter-Agency Support upang masawata ang paglaganap ng Red-Striped Soft Scale Insects (RSSI) sa Negros Island, kung saan nanggagaling ang mahigit 60% ng Sugar Production sa Pilipinas.
Inanunsyo ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona ang naka-aalarmang estado ng RSSI sa “Sugarlandia,” kasabay ng panawagan para sa mahigpit na Quarantine Measures sa galaw ng mga tubo at planting materials.
Sinabi ni Azcona na batay sa pag-aaral, ang naturang peste na unang na-monitor sa Luzon, ay posibleng aksidenteng nadala sa Negros.
As of May 30, halos dumoble na aniya sa 424.82 hectares ang Infestation, dahilan para humingi ng tulong ang SRA sa iba pang government agencies, partikular sa Department of Agriculture, Negros Occidental Provincial GOvernment at mga apektadong Local Government Units, at Bureau of Plant Industry para sa Quarantine Measures.