13 October 2025
Calbayog City
National

DA at NFA, magsu-supply ng 490k na sako ng bigas sa DSWD

INAPRUBAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag-suplay ito ng 490,000 na sako ng bigas mula ngayong buwan ng Hunyo hanggang Disyembre.

Ito ay para makatulong sa Disaster Response at Feeding Programs ng DSWD.

Nagpasalamat si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa pag-apruba sa kahilingan lalo at napakahalaga ng Rice Allocation para masuportahan ang libu-libong At-risk Filipinos.

Sinabi ni Gatchalian na para magpatuloy ang operasyon ng Repacking Hubs ng DSWD sa Pasay at Cebu, kinakailangan nila ng 35,000 na sako ng bigas kada buwan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).