KASUNOD ng kanyang Maiden Stint sa Roland Garros, sasabak naman ang Filipina Tennis Star na si Alex Eala sa Grass Court mula sa Clay Court.
Maglalaro ang Pinay Tennis Ace ngayong linggo sa Birmingham Open sa England – isang Women’s Tennis Association (WTA) 125 Tournament, kung saan siya pang-third Seed.
Makakaharap ni Eala sa Unang Round si Linda Fruhvirtova ng Czech Republic na kasalukuyang Ranked No. 154 sa WTA.
Ang Birmingham Open ay bahagi ng preparasyon ni Eala para sa Wimbledon sa katapusan ng Hulyo.