MALAPIT nang magkaroon ng access ang Minimum Wage Earners sa pilot test ng pamahalaan sa 20 Pesos Per Kilo Rice Program, na unang inilunsad sa vulnerable sectors, gaya ng senior citizens, PWDs, buntis, solo parents, at mga miyembro ng 4Ps.
Ito’y makaraang magkasundo “in principle” ang Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE), na isama ang Minimum Wage Earners sa Ongoing Pilot Run ng Subsidized Rice Program.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na inaasahan nila na magiging matagumpay ang implementasyon ng programa na makatutulong sa mga manggagawa.
Sa bahagi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, pinagtibay nito ang commitment ng DA sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagbibigay diin na importante ang matatag na Inter-Agency Collaboration para ma-sustain at mapalawak ang epekto ng mahalagang Social Responsibility Program.