6 December 2025
Calbayog City
National

Magnitude 4.6 na lindol na tumama sa General Nakar, Quezon, naramdaman sa Metro Manila

TUMAMA ang Magnitude 4.6 na lindol sa General Nakar, Quezon, alas dose disi syete ng tanghali, kahapon.

Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na Tectonic in Origin, ay may lalim na sampung kilometro.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Makati; Maynila; Marikina; San Pedro, Laguna; at Tanay, Rizal.

Intensity 3 naman sa Navotas; Quezon City; Pasay; San Juan City; Taguig; Guiguinto at Malolos sa Bulacan; Palayan, Nueva Ecija; Mabalacat City, Pampanga; Angeles City; at Biñan city, Laguna.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).