13 October 2025
Calbayog City
National

Mga miyembro ng gabinete, pinagbitiw sa pwesto ni Pangulong Marcos; karamihan ng cabinet members, nagsumite na ng Courtesy Resignation

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng cabinet secretaries ng gobyerno na magsumite ng Courtesy Resignations.

Ayon sa pangulo, bahagi ito ng layuning mag-recalibrate sa kaniyang administrasyon kasunod ng katatapops lamang na Midterm Elections.

Sa ganitong paraan sinabi ng pangulo na maiaangkla ang gobyerno sa kung anong inaasahan ng mamamayan.

Sa pagpapasumite ng Courtesy Resignations ay mabibigyan ng pagkakataon ang pangulo na magsagawa ng evaluation sa performance ng pawat ahensya at tutukuyin kung magpapatuloy ang paninilbihan ng kasuluyang pamunuan ng mga departamento.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).