KINUMPIRMA ng Malakanyang na tinanggal din sa pwesto si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Emma Sinclair dahil sa umano’y maanolmalyang Land Acquisition Deal na pinasok ni Dating OWWA Administrator Arnell Ignacio.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na sinibak sa pwesto si Sinclair bunsod ng Loss of Trust and Confidence kaugnay ng 1.4-Billion Peso Land Acquisition Deal.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Nilinaw din ni Castro na parehong tinanggal sina Ignacio at Sinclair, at hindi sila pinag-resign.
Idinagdag ng Palace official na magsilbi sana itong babala sa lahat ng public servants na aalisin sila sa pwesto kung hindi nila gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin sa publiko.