PINAGMULTA ng NBA si Oklahoma City Star Jalen Williams ng 25,000 dollars dahil sa pagsusuot ng damit na mayroong “profane language” sa kanyang press conference matapos ang Game 7 victory ng Thunders kontra Denver Nuggets.
Suot ni Williams ang shirt na may naka-imprentang bastos na salita sa harapan at kulay pula ang mga letra.
Hindi man gumamit ng profanity sa pagsasalita si Williams habang kausap ang mga reporters ay tila naghuhumiyaw naman ang suot nitong damit.
Ang bente kwatro anyos na American player ay mahalagang bahagi para umabot ang Oklahoma City sa Western Conference Finals, na kauna-unahang appearance ng franchise simula noong 2016.