13 July 2025
Calbayog City
National

COMELEC, reresolbahin ang mga kaso ng Duterte Youth at BH Partylists bago sumapit ang June 30 

NANGAKO ang COMELEC na reresolbahin ang mga nakabinbing kaso ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon (BH) Party-list groups bago sumapit ang June 30 o bago ang pagsisimula ng termino ng mga bagong halal na opisyal.

Noong Lunes ay sinuspinde ng poll body na umuupo bilang national board of canvassers, ang proklamasyon ng Duterte Youth at BH Partylists bunsod ng kanilang pending cases.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na mas makabubuti kung hihintayin nalang ng mga Partylist group ang resolusyon sa kanilang mga kaso bago mag-June 30.

Binigyang diin ni Garcia na obligasyon ng COMELEC na resolbahin ang mga kaso para wala nang dapat ipag-alala sa sandaling magsimula nang manungkulan ang nanalong mga kinatawan sa katapusan ng Hunyo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).