HINDI ginamit ang Trust Fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa hindi awtorisadong 1.4-Billion Peso Land Acquisition Deal sa ilalim ng Department of Migrant Workers (DMW).
Pahayag ito ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, batay sa inisyal na pagsisiyasat sa naturang isyu.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Una nang sinibak sa pwesto si OWWA Administrator Arnell Ignacio, kasunod ng paggamit ng Public Funds para sa pagbili ng lupa, na plano nitong pagtayuan ng pasilidad para sa Repatriated Overseas Filipino Workers, ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
Binigyang diin naman ng kalihim na hindi inaprubahan ng departamento ang proyekto, dahil hindi naman aniya kailangan ng pamahalaan na magkaroon ng sariling lodging facility para sa mga OFW.
Idinagdag naman ni Castro na sa ngayon ay under investigation ang lahat upang malaman kung mayroon pang ibang mga opisyal na sangkot sa naturang kontrobersiya.
