DARAGDAGAN ng National Food Authority ang kanilang storage capacity para sa bigas ng 200,000 metric tons sa loob ng dalawang taon upang mas maraming bigas ang kanilang mabili sa mula sa mga magsasaka.
Sinabi ng NFA na kailangan din nila ng mas malaking kapasidad para masuplayan ang 20 pesos per kilo subsidized program ng pamahalaan.
Inihayag ni NFA Administrator na Larry Lacson na sa ngayon ay nagpapatayo sila ng karagdagang warehouses, bumibili ng additional equipment, at nagkukumpuni ng mga existing warehouse.