ISINAILALIM ang buong lalawigan ng Samar sa State of Emergency, sa gitna ng limitadong pagdaan ng mga sasakyan sa San Juanico Bridge na nakaaapekto sa daloy ng mga supply mula sa Leyte.
Inaprubahan kahapon ng sangguniang panlalawigan ang deklarasyon, sa kanilang 150th Regular Session sa Catbalogan City.
4 katao, patay sa vehicular accident sa Samar
Responders at emergency teams, pinapurihan sa kanilang dedikasyon sa isinagawang training sa Calbayog City
LandBank, palalawakin ang kanilang serbisyo sa Eastern Visayas
Mahigit 200 na pamilya sa Eastern Samar, lumikas bunsod ng pagbaha na dala ng Shear Line
Simula noong May 15 ay nilimitahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit sa 53-year-old na mahigit dalawang kilometrong tulay, sa mga sasakyan na may gross weight na tatlong tonelada, bilang bahagi ng dalawang taong rehabilitasyon sa San Juanico Bridge.
Matapos ang sesyon, sinabi ni Vice Governor Arnold Tan na naapektuhan nito ang pagbiyahe ng petrolyo, medical supplies at essential goods mula sa Tacloban City.
Idinagdag ni Tan na ang deklarasyon ng State of Emergency ay makatutulong sa kanila para makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin, gaya ng pagkain at petrolyo.
