IPRINOKLAMA ng COMELEC ang limampu’t dalawang Party-list groups na nanalo sa 2025 National and Local Elections.
Limampu’t apat dapat ang ipo-proklama ng poll body, subalit sinuspinde ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist na nakakuha ng tatlong seats at Bagong Henerasyon Partylist na may isang seat sa Kamara.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ang Akbayan Partylist, na nakakuha ng pinakamalaking boto sa Party-list race, at mayroong tatlong seats, gayundin ang Tingog partylist, ay iprinoklama kahapon ng COMELEC sa Manila Hotel Tent City.
Kabilang naman sa Party-list organizations na may tig-dalawang seats ang 4ps, ACT-CIS, at Ako Bicol.
Ilan naman sa mga nakakuha ng isang seat ang Uswag Ilonggo, Solid North, Trabaho, Cibac, Malasakit at Bayanihan, Senior Citizen, PPP, ML, FPJ Panday Bayanihan, United Senior Citizens, LPGMA, Agap, Asenso Pinoy, at Agimat.