DALAWANG pulis ang inaresto ng kanilang mga kabaro matapos manggulo sa isang bar sa Commonwealth Avenue sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), batay sa inisyal na pagsisiyasat, kapwa lasing ang dalawang pulis nang mangyari ang insidente.
Pinagbabato umano ng mga pulis ng ice cubes ang mga waiter at ibang customers hanggang sa mabasag na ng mga ito ang glass painting frame dahilan para matakot at maglabasan ang mga tao sa bar.
Samantala, kinumpiska ang baril ng dalawang pulis, at itinurnover na ang kaso sa Criminal Investigation and Detection Unit para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.