ISANG lalaki ang binawian ng buhay sa Albay, ilang sandali pagkatapos nitong bumoto.
Ayon kay Police Regional Office (PRO-5) Director, Brig. Gen. Andre Dizon, pumanaw ang animnapu’t limang taong gulang na lalaki matapos makaranas ng pagkahilo at mawalan ng malay.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Batay sa report, pagkatapos makumpleto ng biktima ang pagboto ay nagsimula itong mahilo at sinabi niya sa kanyang misis ang kanyang kondisyon.
Sinabi ni Dizon na tumanggap ng first aid ang botante at dinala sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa Ligao City, subalit idineklara itong dead on arrival.
