13 July 2025
Calbayog City
National

DepEd, inactivate ang kanilang Election Command Center 

INACTIVATE ng Department of Education (DepEd) Central Office ang kanilang Election Command Center sa Techzone, Makati City para sa midterm elections ngayong Lunes.

Ayon sa DepEd, ang Command Center na nagsimulang maging fully operational 1 P.M. kahapon hanggang 5 P.M. Bukas, ay para matiyak ang mabilis na round-the-clock response sa pangangailangan ng teaching at non-teaching personnel sa araw ng eleksyon.

Magsisilbi itong National Coordination Hub ng DepEd Election Task Force (ETF).

Inihayag din ng kagawaran na magpapakalat ang ETF ng expert teams sa buong bansa para magbantay ng mga kaganapan, magbigay ng legal assistance, mangasiwa ng hotlines at help desks, tumugon sa mga insidente, at mag-report pagkatapos ng eleksyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).