HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang publiko na gamitin ang kanilang karapatan na bumoto at pumili ng mga kandidatong tunay na makapagsisilbi sa bansa.
Sa isang video message, sinabi ng pangulo na isang pagkakataon ito para marinig ang boses ng bawat isa at maipahayag ang hangarin para sa bayan.
Aniya, piliin ang tapat, may malasakit, at kakayahang magsilbi.
Hinikayat din ni Marcos ang mga kandidato na irespeto ang proseso at tapusin ang eleksyon nang may integridad at mapayapa.