INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program o mas kilala bilang Number Coding Scheme, sa national at local elections sa Lunes, May 12.
Una nang idineklara ng Malakanyang ang Mayo a-dose bilang special non-working holiday sa ilalim ng Proclamation no. 878.
Pinaalalahanan naman ng MMDA ang mga motorista na planuhin ang kanilang mga biyahe, tumalima sa traffic regulations, at unahin ang kaligtasan.