12 July 2025
Calbayog City
National

DOJ chief, kinuwestiyon ang imbestigasyon ng ombudsman sa pagdakip kay Dating Pangulong Duterte

TINIYAK ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maghahain siya ng counter-affidavit hinggil sa pagdakip at paglipat kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, kahit nalalabuan siya sa proseso ng ombudsman, 

Sinabi ni Remulla, dati kasi ay mayroong fact-finding at may rules na naka-publish ang ombudsman, subalit ngayon ay tila dumiresto agad sa kanila.

Muling iginiit ng kalihim na walang nilabag na anumang batas ang mga awtoridad nang arestuhin at ilipat si Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Binatikos din ni Remulla ang reklamong isinampa ni Senador Imee Marcos sa ombudsman sa pagsasabing na-wirdohan siya dahil hindi naman committee report ang isinumite ng mambabatas, kundi chairperson’s report.

Kinuwestiyon din ng DOJ chief ang timing ng paghahain ng complaint, dahil lumalabas na ang habol ng mambabatas ay makakuha ng publicity para sa eleksyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).