PATULOY sa pag-angat ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa Women’s Tennis World Stage.
Nasa Rank No. 70 ng Women’s Tennis Association (WTA) ang disi nueve anyos na pinay na kanyang bagong career-best.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Kasunod ito ng kanyang kampanya sa Mutua Madrid Open noong nakaraang linggo.
Pinadapa ni Eala si Viktoriya Tomova ng Bulgaria sa first round, subalit kinapos kay Iga Swiatek ng Poland na una niyang pinayuko sa Miami open noong Marso.