11 July 2025
Calbayog City
Metro

200 pamilya, naapektuhan ng sunog sa Quezon City

NASA dalawandaang pamilya ang naapektuhan ng sunog sa isang residential area sa Barangay E. Rodriguez, sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa kanto ng Cambridge at Ermin Garcia Streets, kahapon ng tanghali.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy bunsod ng malakas na hangin, at karamihan ng mga bahay ay gawa sa light materials.

Sa gitna ng paglagablab ng apoy ay sunod-sunod ding narinig ng mga residente ang pagsabog ng mga tangke ng LPG.

Idineklarang under control ang sunog bago mag-alas dos ng hapon.

Sinabi ng barangay officials na pansamantalang inilikas ang mga apektadong residente sa simbahan ng Nativity of our Lord Parish.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).