HINDI na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senatorial Candidate Camille Villar sa kanyang endorsement speech sa campaign sortie ng alyansa para sa Bagong Pilipinas, sa Batangas.
Sa mga dating talumpati ng pangulo ay binabanggit nito si Villar kahit wala ito sa campaign sortie.
Ang hindi pagbanggit ni Marcos kay Villar ay kasunod ng direktiba nito na imbestigahan ang Prime Water ng mga Villar, bunsod ng kabi-kabilang reklamo ng mga consumer.
Hindi gaya sa mga nakaraang endorsement speeches, inilatag ng pangulo ang specific projects at nangakong tutuparin ang mga ito bago matapos ang kanyang termino.
Kabilang na rito ang pagpapalakas sa agriculture sector, pagtiyak sa matatag na power at water supply, at pagtatayo ng iba’t ibang imprastraktura.