7 July 2025
Calbayog City
National

SUV na nawalan ng kontrol sa NAIA Terminal 1 Departure Area, pumatay ng 2 katao; lisensya ng driver, sinuspinde ng LTO

DALAWA ang nasawi makaraang mawalan ng kontrol ang isang kulay itim na SUV sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, isa sa mga namatay ang limang taong gulang na babae na anak ng OFW.

Tatlo naman aniya ang nasugatan at dinala sa San Juan De Dios Hospital, subalit batay sa statement ng New NAIA Infra Corp., apat ang nagtamo ng injuries.

Kabilang sa mga nasugatan ang ina ng nasawing bata.

Nasa airport ang mag-ina para ihatid ang kanilang padre de pamilya.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.