PAG-iisapan ni NBA Superstar Lebron James kung magbabalik siya para sa 23rd season.
Ito’y matapos malaglag ang kanyang team na Los Angeles Lakers sa first round ng Playoffs, makaraang padapain ng Minnesota Timberwolves.
ALSO READ:
Leylah Fernandez, pinadapa ang katunggaling Romanian sa Monterrey Open
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, naghahanda na para sa mga susunod na lalahukang High-Profile Tournaments
Creamline, nasungkit ang Bronze Medal sa PVL on Tour matapos ma-sweep ang Cignal
Pagbebenta sa Boston Celtics sa halagang 6.1 billion dollars, inaprubahan ng NBA
Sinabi ni James na hindi pa niya niya alam kung ilang taon pa siyang maglalaro ng basketball.
Aniya, ang naturang paksa ay kailangang pag-usapan ng kanilang pamilya, kanyang maybahay, at support group.
Si James na nagdaos ng kanyang 40th birthday noong December 30, ay nag-average ng 24.4 points, 7.8 rebounds, at 8.2 assists per game sa isang season.