2 July 2025
Calbayog City
Sports

Converge, pinadapa ang Rain or Shine sa ika-4 na panalo sa PBA Philippine Cup

NASUNGKIT ng Converge ang ika-apat nilang panalo sa PBA Season 49 Philippine Cup.

Ito’y matapos padapain ng Fiberxers ang Rain or Shine, sa score na 107-97, sa PhilSports Arena, sa Pasig City.

Dahil dito, umakyat sa 4-2 ang record ng Converge, at tatangkain nilang madagdagan pa ang kanilang panalo, bukas, sa pagharap nila sa koponan ng Ginebra.

Samantala, umaasa ang Rain or Shine na agad silang makababawi kapag nakasagupa ang Blackwater sa susunod na linggo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).