ITINANGGI ni Manila Mayoral Candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga alegasyon ng vote-buying nang mamahagi siya ng 3,000 pesos na cash sa public school teachers sa isang event.
Ginawa ni Moreno ang pagtanggi sa tugon nito sa Show-Cause Order na inilabas ng COMELEC, matapos itong atasan na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat madiskwalipika sa halalan dahil sa umano’y vote-buying activities.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ayon kay Atty. Maria Bernadette Sardillo, legal counsel ni Moreno, sa umpisa pa lang ay itinanggi na ng kanyang kliyente ang anila ay walang basehang akusasyon laban sa dating alkalde ng Maynila.
Iginiit din ni Sardillo na hindi kailanman namudmod ng pera si Moreno sa mga guro na nagtungo sa East Ocean Restaurant noong March 26, 2025.