TUMANGGAP ang Pilipinas ng 6.02 billion dollars na financial package mula sa Asian Development Bank (ADB) noong 2024.
Ikalawa ang bansa sa biggest recipient sa lahat ng partner countries ng ADB sunod sa India na may 7.26 billion dollars.
Kabilang din sa top recipients ang Indonesia (3.28 billion dollars); Bangladesh (3.21 billion dollars); Pakistan (2.99 billion dollars); at Uzbekistan (2.35 billion dollars).
Sa annual report, nakasaad na ang commitments ng ADB sa Pilipinas na binubuo ng loans, grants, at co-financing programs, ay bumagsak ng 28.16% kumpara noong 2023.