MABIBILI ang bente pesos na kada kilo ng bigas sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) Kadiwa Center sa kahabaan ng Visayas Avenue, sa Quezon City sa May 2.
Ito, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, kasabay ng anunsyo ng initial rollout ng 20 pesos per kilo na bigas sa Cebu sa May 1.
Sa ilalim ng programa, bawat pamilya ay maaring bumili ng hanggang sampung kilo ng bigas kada linggo o kabuuang apatnapung kilo kada buwan.
Ang pilot rollout ay magsisimula sa Visayas, kasunod ng closed-door meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa labindalawang gobernador sa rehiyon, sa Cebu Provincial Capitol noong nakaraang linggo.