13 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist nagpaabot ng pagmamahal sa mga nilindol sa Mindanao, magsusulong ng comprehensive workplace safety law

Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, nagpaabot ang TRABAHO Partylist ng pagmamahal sa mga nakaranas at naapektuhan ng apat na sunud-sunod na lindol sa Mindanao.

“Kami ay lubos na nababahala sa kaligtasan ng ating mga kapatid sa Mindanao lalo na’t ang mga pagyanig ay nagtala ng higit sa magnitude 5.0”, pagsasaad ni TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell Espiritu.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS, tatlong lindol na may magnitude 5.9, 5.1 at 5.4 ang naitala sa Sultan Kudarat, samantalang ang ika-apat na magnitude 5.2 na lindol ay nangyari sa Davao Occidental.

Ayon sa tagapagsalita, hindi ito maaaring ipagwalang-bahala sapagkat ang buhay, kaligtasan, at hanap-buhay ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya ang nakasalalay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).