Ipinakilala ni Mayor Mark Alcala ang TRABAHO Partylist sa mga mamamayan ng Lucena sa isang open forum sa probinsya ng Quezon, ika-6 ng Marso 2025.
Bilang kinatawan ng nasabing partylist, nagtalumpati si nominee Atty. Johanne Bautista sa mga “Lucenahin”, moniker sa mga residente ng Lucena, upang ipaliwanag ang plataporma at legislative agenda ng TRABAHO.
2 impeachment complaints laban kay VP Sara, idineklarang sufficient in grounds
P3.5 billion, inilaan para tulungan ang mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan
Excise tax sa oil products, hindi pa malinaw sa Palasyo kung sususpindihin o babawasan
Dagdag-pasahe, ipinag-utos ni PBBM na suspindihin
Misyon ng TRABAHO na itaguyod ang mga karapatan, kapakanan, at marangal na buhay ng mga manggagawa.
“Hindi po dapat maging hadlang ang ating mga edad, kapansanan, kasarian, at pinanggalingan para magkaroon ng patas na oportunidad na makapagtrabaho at kumita at magkaroon ng magandang buhay,” pagdidiin ng abogado.
Pagkatapos ng talumpati ay tinanong ni Vice Mayor Roderick Alcala ang mga tagapakinig, “pwede ba nating tulungan ang 106 Trabaho Partylist?”
“Pwede. Pwede,” sagot ng mga Lucenahin.
