18 February 2026
Calbayog City
National

TRABAHO Party-List at pagpaparami ng trabaho, patok sa 2025 SWS survey

Ang TRABAHO Party-List ay umakyat ng 19 na pwesto sa Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations kahapon.

Mula sa pagiging rank 54-55 noong Disyembre 2024 ay naging top 36 na ngayong Enero 2025 ang TRABAHO sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo.

“Isang malaking tagumpay po na nagpapakita ng tiwala ang mga manggagawa sa ating layunin. Maraming salamat po!”, pahayag ng TRABAHO Party-List sa opisyal nitong Facebook page.

Ang pagtaas ng TRABAHO Party-List ay tumugma rin sa mga hinahanap na plataporma ng mga botante na nakilahok sa SWS survey tulad ng mas marami pang oportunidad sa trabaho, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at karapatan ng mga manggagawa.

Nakilala ang TRABAHO Party-List sa pagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).