PINAIIMBESTIGAHAN na sa pulisya ang magkakasunod na bomb threat na natanggap ng mga paaralan sa Iloilo City.
Ayon kay Iloilo City Mayor Raisa Treñas, unang binulabog ng bomb threat ang University of San Agustin – Sambag Campus araw ng Miyerkules at nasundan ito ng bomb threat sa Iloilo Science and Technology University umaga ng Huwebes.
Hiniling ng alkalde kay Iloilo City Director Police Colonel Kim Legada na masusing imbestigahan at tukuyin kung sino ang nasa likod ng mga pananakot.
Samantala sa pakikipagpulong kay Treñas, tiniyak ng Iloilo City Police na gamit ang teknolohiya ay madali nang
Matutukoy at mahuhuli ang mga responsable. Umapela naman ang city LGU sa mga reisdente na iwasan ang pagpapakalat ng mga beripikadong impormasyon sa social media at manatiling kalmado habang isinasagawa ang imbestigasyon.




