PATAY ang dalawa katao makaraang masunog ang kanilang bahay, sa Tondo, Maynila.
Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng limampu’t walong taong gulang na lalaki at kanyang pamangking babae na apatnapu’t tatlong taong gulang.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Sumiklab ang sunog sa Barangay 48, sa Barrio Menu, linggo ng hapon, habang ang iba nilang mga ka-lugar ay nagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño De Tondo.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, siyam na pamilya ang naapektuhan ng sunog na ikinasugat din ng isang senior citizen na nagtamo ng second-degree burns sa likurang bahagi ng katawan.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.
