Patay ang isang dating barangay kagawad matapos pagbabarilin sa Purok 8, Sitio Talahib, Brgy. Trinidad, Calbayog City araw ng Miyerkukes, Feb. 14.
Kinilala ang biktima na si Ronaldo Comesion, 51 taong gulang, dating Brgy. Kagawad sa Brgy. Langoyon at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon ng Calbayog City Police, lulan ng motorsiklo na ang biktima galing sa kanilang bahay.
Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo ang bigla na lang sumulpot sa likuran ng biktima at saka ito pinagbabaril.
Kulay pulang NMAX ang gamit ng mga suspek na agad na tumakas.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala at mga personal na gamit ng biktima.