DALAWANG construction workers ang nasawi ilang oras matapos mabagsakan at matabunan ng bahagi ng ginagawang gusali, sa Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa mga awtoridad, nagbubuhos ng semento ang bente nueve at kwarenta’y dos anyos na mga biktima sa ikalawang palapag ng gusali nang bumigay ang tinutungtungan nilang scaffolding.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Sinuspinde naman ni Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas ang konstruksyon ng mall na itinatayo sa Tagaytay-Santa Rosa Road sa Barangay Sto. Domingo, kasunod ng pagkamatay ng dalawang construction workers.
