Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng ilang Saturday Classes para ipang-bawi sa mababawas na bilang ng school days, kapag ibinalik na ang dating school calendar sa susunod na school year.
Sa hearing ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni DepEd Director for Curriculum and Instruction-Bureau of Learning Delivery Leila Areola, na plano ng ahensya na simulan ang school year 2024-2025 sa July 29 at tapusin ng March 31 sa susunod na taon.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Samantala, ang school year 2025-2026 ay plano namang simulan sa Hunyo ng susunod na taon.
Dahil sa adjustment, inihayag ni Areola na ang minimum na bilang ng school days ay magiging 163 na lamang mula sa kasalukuyang 180, kaya naman ikinu-konsidera nila ang posibilidad na magdaos ng klase sa loob ng ilang sabado.
