5 July 2025
Calbayog City
Sports

Floyd Mayweather Jr, tinalo si John Gotti III sa Exhibition Fight sa Mexico City

TINALO ni dating World Boxing Champion Floyd Mayweather Jr. si John Gotti III, ang apo ng yumaong New York Crime Boss, sa isang exhibition fight, subalit hindi na-impress ang mga manonood sa Mexico City.

Ang 47-year old na si Mayweather na nag-retiro sa boxing noong 2017, at walang talo sa limampung naging laban nito, ay patuloy pa rin sa pakikipagbakbakan sa lona kahit hindi counted sa kanyang career record.

Samantala, ang 31-year old naman na si Gotti na may 5-1 record sa MMA Fights bago lumipat sa boxing, ay apo ni John Gotti na pinuno ng Gambino Crime Family na namatay sa bilangguan noong 2002.

Dinomina ni Mayweather ang buong laban simula umpisa hanggang sa matapos, sa kabila ng kalituhan dahil hindi narinig ang round-ending bell.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).