6 February 2025
Calbayog City
National

Mga Pinoy sa Japan, pinag-iingat dahil sa pagtaas ng kaso ng influenza

NAGLABAS ng abiso ang embahada ng Pilipinas sa Japan kaugnay sa pagtaas ng kaso ng influenza o trangkaso sa nasabing bansa.

Hinikayat ng Philippine embassy sa Tokyo ang mga Pinoy sa nasabing bansa na maging maingat at sundin ang mga inilatag na hakbang upang maprotektahan ang kanilang kalusugan.

Kabilang dito ang ang mga sumusunod:

– Magsuot ng fface mask lalo na sa matataong lugar o kung nasa pampublikong transportasyon

– Ugaliing maghugas ng kamay

– Kung nakararanas ng lagnat, ubo, sipon o panghihina, manatili lamang sa bahay at magpahinga

– Palakasin ang resistensya

– Para mga high-risk na indibidwal, kumonsulta agad sa doktor kung makararanas ng mga sintomas gaya ng trangkaso

– Manatiling updated sa abiso ng kinauukulan

Pinayuhan din ang mga Pinoy na may nakatakdang biyahe sa Japan na kumuha ng travel insurance para sa mga hindi inaasahang pangangailangang medikal. (DDC)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).