PINALALAKAS ng Akari ang kanilang pwersa bago ang 2026 Premier Volleyball League (PVL) Season, sa pamamagitan ng pagpasok nina Cza Carandang at Jyne Soreño mula sa binuwag na koponan ng Chery Tiggo, at Judith Abil.
Ang paglagda ng kontrata ng tatlo ay inaasahang pupuno sa binakanteng pwesto nina Camille Victoria, Ezra Madrigal, at Erika Raagas, na pinakawalan ng team nitong mga nakalipas na araw.
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Inaasahang palalakasin ni Carandang ang frontcourt ng chargers kasama sina Fifi Sharma at Ced Domingo habang daragdag bilang wing spiker si Soreño at makakatuwang niya sina Gretchel Soltones, Faith Nisperos, Chenie Tagaod, at Ivy Lacsina.
Dagdag pwersa rin sa Akari si Abil na galing sa Cignal Super Spikers kung saan nagsilbi siya bilang spiker at libero.
