Gumagawa na ng hakbang ang Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau (EB) at Center for Health Development Cordillera Administrative Region (CHD CAR) para ma-kontrol ang diarrhea outbreak sa lungsod.
Noong Miyerkules, Jan. 10, nagdeklara na ng outbreak si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Ayon sa Baguio City Health Office, nagsimulang tumaas ang kaso ng diarrhea sa lungsod noong December 21, 2023.
Hanggang Jan. 7, umabot na sa 308 na kaso ng diarrhea ang naitala sa Baguio City at ang mga tinamaan ng sakit ay edad 3 months hanggang 92 years old.
Wala pa namang naitatalang nasawi.