KABILANG ang Filipino Boxing Legend na si Manny Pacquiao sa mga iluluklok sa International Boxing Hall of Fame sa 2025, batay sa anunsyo ng organisasyon.
Tumagal ang karera ni Pacquiao, na isang World Champion mula sa Flyweight hanggang Super Welterweight Divisions, simula 1995 hanggang 2021.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Tinapos ito ng kwarenta’y singko anyos na pinoy boxer sa pamamagitan ng record na 62 wins, 8 losses, at 2 draws.
Si Pacman, kasama ang mga kapwa boksingero na sina Michael Nunn at Vinny Paz, at referee na si Kenny Bayless, ay kabilang sa labing apat na indibidwal na pararangalan sa June 5-8, 2025, sa Hall of Fame sa Canastota, New York.
